Tiniyak ng mga Pangasinense na abot kayang mga Noche Buena products lamang ang inihanda ng mga ito sa araw ng bisperas, kahapon, December 24.
Ayon sa mga ito, mainam daw ang pagtitipid lalo na at magaganap ang selebrasyon ng pagsalubong ng Bagong Taon kung saan muli itong hahandaan.
Maigi rin daw na nakabudget ang perang ginagastos upang pagdating ng taong 2024 ay hindi maging kapos ang mga ito.
Samantala, nakisabay ang mga Pangasinense sa mix and match na Noche Buena items o mga pagkaing hindi nangangailangan ng karaniwang inihahanda sa holiday season at pasok lamang sa nararapat na gastusin kasunod ng pagtaas ng SRP ng mga produkto. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments