Nakapagtala ng PHP 818, 071 sales ang buong Ilocos Region sa ginanap na Labor Day Kadiwa noong May 1 sa pangunguna ng Department of Labor and Employment Regional Office 1.
Kaisa ng DOLE sa naturang programa ang Department of Agriculture, Department of Trade and Industry, Public Employment and Services Offices, LGUs, at mga Provincial Agriculturists upang masuportahan ang mga magsasaka at mga micro, small and medium enterprises o MSMEs sa unang rehiyon.
Ginanap sa iba’t-ibang lokasyon sa rehiyon ang Labor Day Kadiwa kung saan dito sa Pangasinan ay ginanap sa Capitol Complex sa Lingayen na nilahukan ng 33 exhibitors at umabot sa PHP 144, 281; at sa isang mall sa Dagupan City na nakabuo ng abot PHP 37, 740 sales na dinaluhan ng 23 exhibitors.
Inilunsad ang Kadiwa ng Pangulo bilang suporta sa mga MSMEs at magsasaka sa iba’t-ibang lalawigan nang itampok at madala ng direkta sa mga konsyumer ang mga local products.