π—”π—–π—–π—˜π—¦π—¦ 𝗦𝗔 π— π—˜π—‘π—§π—”π—Ÿ π—›π—˜π—”π—Ÿπ—§π—› π—¦π—˜π—₯π—©π—œπ—–π—˜π—¦ 𝗠𝗔𝗔𝗔π—₯π—œ 𝗑𝗔 𝗦𝗔 π— π—šπ—” π—₯𝗨π—₯π—”π—Ÿ π—›π—˜π—”π—Ÿπ—§π—› π—¨π—‘π—œπ—§π—¦ 𝗦𝗔 π—₯π—˜π—šπ—œπ—’π—‘ 𝟭 – 𝗗𝗒𝗛 π—₯π—˜π—šπ—œπ—’π—‘ 𝟭

Inihayag ng Department of Health Region 1 na ang access sa mental health services ay maaari ng maibigay sa mga rural health units ng Region 1.

Ayon kay DOH R1 Regional Director Paula Paz Sydionco, nais ng kagawaran na makamit ang pagkakaroon ng maraming mental health facilities sa rehiyon para mabigyan ng atensyon ang mga taong dumaranas ng mental health problems.

Nasa 162 na rural health units at primary care facilities sa rehiyong ang may kakayahang makapagbigay ng mental health services sa mga taong nangangailangan ng tulong.

Kabilang sa mental health services na maibibigay ng mga naturang pasilidad ay psychosocial support para sa mga taong naapektuhan ng krisis, sakuna, at maging suicide intervention.

Samantala sa kabuuan naman na tantsa ng kagawaran ng kalusugan, nasa halos tatlong milyong Pilipino ang nakararanas ng mental health issues tulad ng depresyon at mood disorders. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments