Cauayan City – Ibinahagi ng Police Regional Office 2 ang kanilang accomplishment report sa kampanya ng kapulisan kontra kriminalidad sa huling linggo ng 2024.
Simula December 26, 2024 hanggang January 1, 2025, umabot sa 6.5 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P44,100 ang nakumpiska ng kapulisan.
Nahuli naman ng kapulisan ang 3 indibidwal na lumabag sa RA 10591, habang 32 na iba’t-ibang uri ng armas rin ang nasabat ng mga awtoridad.
Sa pinaigting na kampanya ng kapulisan kontra insurhensiya at terorismo, 20 regular members na Counter terrorists groups, 1 kasapi ng militia ng bayan, at 5 taga suporta ng makakaliwang grupo, ang napasakamay ng awtoridad.
Samantala, tinitiyak ng PRO2 sa pangunguna ni Regional Director Police Brigadier General Antonio Marallag Jr., na mas paiigtingin pa ng Valley Cops ang kampanya kontra kriminalidad upang mas maging payapa at ligtas ang buong lambak ng Cagayan.