
Cauayan City – Matagumpay na naaresto ng pinagsanib na pwersa ng kapulisan ang No. 1 Provincial Top Most Wanted Person na sangkot sa mga kasong Qualified Theft at Falsification of Private Documents sa bayan ng Delfin Albano, Isabela, kahapon ika-22 ng Enero sa Brgy. BRagan Sur, Delfin Albano, Isabela.
Kinilala ang suspek na si alyas โViel,โ 40-anyos, isang account officer at residente ng Barangay Sandiat, San Manuel, Isabela.
Nadakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong Qualified Theft at 27 bilang ng Falsification of Private Documents.
Mayroon namang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek ngunit ito ay nagkakahalaga ng tig-โฑ30,000.00 bawat bilang, na may kabuuang halagang โฑ810,000.00.
Ayon kay Acting Provincial Director Police Colonel Manuel Bringas, patuloy ang PNP Isabela sa mas pinaigting na pagpapatupad ng batas at paghahatid ng hustisya, kasabay ng pagtitiyak na ang lahat ng operasyon ay isinasagawa nang naaayon sa umiiral na batas.
โโ—————————————
โ
โPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website,ย www.rmn.ph/985ifmcauayan.
โ
โ#985ifmcauayan
โ#idol
โ#numberone
โ#ifmnewscauayan










