𝗔𝗗𝗠𝗜𝗦𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗔𝗔𝗡 𝗠𝗨𝗦𝗘𝗨𝗠, 𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗨𝗦𝗘𝗨𝗠 𝗔𝗡𝗗 𝗚𝗔𝗟𝗟𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗛

Gawing bonding at learning experience ang pamamasyal ngayong Museum and Galleries Month dahil ang Banaan Pangasinan Provincial Museum sa Casa Real, Lingayen ay libre ngayon ang admission.

Nag-umpisa ang Open House celebration ng museo noong nakaraang linggo.

Tampok ang 11 galleries ng iba’t ibang artifacts, artworks, art installation at interactive features ang makikita ngayon sa museo.

Inaanyayahan naman ang mga nagnanais na pumasyal sa Banaan museum na mag book sa banaan.seepangasinan.com.

Magtatagal ang free tour hanggang ika-24 ng Oktubre na bukas mula alas 9 ng umaga hanggang alas 4 ng hapon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments