𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗦𝗔𝗛𝗘𝗥𝗢 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗜𝗖𝗬𝗖𝗟𝗘 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗔𝗢, 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗨𝗪𝗜 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗞𝗦𝗔𝗞𝗔𝗡

Nauwi sa saksakan ang alitan ng dalawang tricycle drivers sa bayan ng Calasiao Pangasinan.

Sa panayam ng IFM Dagupan kay PCpt. Anthony M. Doctolero, Deputy Chief ng Calasiao Police Station, kinumpirma nito na alitang agawan sa pasahero ang naging mitsa ng pananaksak ng suspek sa biktima.

Nagpang-abot umano ang dalawa sa daan sa Brgy. San Vicente at dito na sinaksak ni Alexander Suarez si Ryan Agpoon.

NASA labing Isang saksak ang natamo ng biktima na sinubukan pang itakbo sa ospital ngunit Idineklarang dead on arrival.

Agad na nahuli ang suspek na nakipaghabulan pa sa pulisya.

Sasampahan ng kasong homicide ng ang suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments