Cauayan City – Kasalukuyan ngayon ang isinagawang cash assistance payout sa lungsod ng Cauayan para sa mga benepisyaryo ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP), at Assistance to Individuals in Crisis SITUATIONS (AICS).
Ang nabanggit na cash assistance payout ay sa pangunguna ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Cauayan katuwang ang Department of Social Welfare and Development.
Layunin ng programang ito na kahit papaano ay makapagbigay ng tulong pinansyal sa mga Cauayeñong lubos na nangangailangan nito.
Samantala, ayon kay Ginoong Crispin L. Antonio, Tricycle Driver mula sa Brgy. Union, Cauayan City, malaking tulong ito para sa mga katulad nila dahil kahit papaano ay mayroon silang magagamit na pandagdag sa kanilang pang araw-araw na gastusin.