𝗔𝗞𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗣𝗔𝗞𝗜𝗡𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡 𝗙𝗔𝗕𝗜𝗔𝗡

Umarangkada kailan lamang ang Ayuda para sa Kapos ang Kita Program o AKAP ng Pamahalaan sa bayan ng San Fabian.

Naging benepisyaryo ang mga residente ng bayan na kinabibilangan ng mga minimum wage earners, job orders, mga utility personnels at iba pa.

Sa ilalim ng nasabing programa, layon nitong matulungan ang mga Pilipinong mahihirap.

Samantala, nagpahayag ng pasasalamat ang tanggapan ng namumunong kongresista sa ikaapat na distrito ng Pangasinan sa mga tukoy na kinatawan ng pamahalaan at siya ring nakipag-ugnayan para sa mga programang mapapakinabangan ng mga residente sa 4th District ng lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments