
Cauayan City – Nagtipon sa Scout Circle ang Akbayan Partylist, kasama ang SIKLAB at mga pamilya ng mga biktima ng war on drugs, upang igiit ang pananagutan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw, ika-23 ng Pebrero.
Ito ay matapos kumpirmahin ng International Criminal Court (ICC) ang mga kasong isinampa laban sa kanya kaugnay ng madugong kampanya kontra droga.
Ayon kay Akbayan President Rafaela David, ang diwa ng People Power na nagpatalsik sa diktadura noon ay dapat manaig muli upang wakasan ang kultura ng karahasan at impunidad. Iginiit niya na kinakailangan ang hatol at pananagutan upang makamit ang hustisya para sa mga nasawi at kanilang pamilya.
Samantala, sinabi ni Akbayan Rep. Perci Cendaña na walang sinuman ang dapat manaig sa batas, at dapat harapin ni Duterte ang buong bigat ng mga paratang sa ICC. Aniya, mahalagang maipakita na may pananagutan ang mga lider sa anumang paglabag sa karapatang pantao.
Photo: AKBAYAN PARTYLIST
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










