𝗔𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗞𝗢𝗡𝗧𝗥𝗔 𝗗𝗘𝗡𝗚𝗨𝗘, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚-𝗜𝗜𝗚𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗟𝗚𝗨𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Kaisa ang mga lokal na pamahalaan sa lalawigan ng Pangasinan kaugnay sa usaping pagtutok sa sakit na dengue na talamak ngayong panahon ng tag-ulan.

Kasunod nito, umpisa na sa bawat LGUs ang pagsasagawa ng mga hakbangin upang mapuksa at mapababa ang kaso ng naturang sakit.

Ang mga lokal na pamahalaan ng Dagupan at Bayambang, puspusan ang pagsasagawa ng Misting Operation sa mga barangay, maging sa mga eskwelahan at pamilihan.

Nakatakdang iactivate rin ng lokal na pamahalaan ng San Fabian ang Anti-Dengue Municipal Task Force bilang pagtugon sa nasabing usapin.

Nauna na ring nagsagawa ng barangay clean up drive ang bayan ng Lingayen upang matugunan ang posibleng kaso mula sa mga barangay.

Nagpaalala ang DOH ng ilang mga aksyon tulad ng pag-implementa ng 4 o’clock habit at ang 4S na bahagi ng kampanya lalo ngayong Dengue Awareness Month.

Samantala, matatandaan na umabot na sa isang libong kaso ng dengue sa buong Region 1 ang naitala ng ahensya hanggang sa kasalukuyan ngayong taon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments