𝗔𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗞𝗢𝗡𝗧𝗥𝗔 𝗗𝗘𝗡𝗚𝗨𝗘, 𝗠𝗔𝗦 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚-𝗜𝗜𝗚𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Mas pinalawig pa ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang hakbanging isinasagawa upang mapuksa bantang dala ng Dengue.

Kasunod nito ang patuloy na pagsasagawa ng misting operation sa mga bara-barangay sa lungsod maging ang larvicidal application sa mga posibleng pamugaran ng mga lamok.

Matatandaan na isa ang Ilocos Region na kinabibilangan ng Pangasinan sa anim pang rehiyon na tinututukan ngayon ng Department of Health (DOH) bunsod ng nakitang pagtaas sa kaso ng dengue.

Samantala, hanggang sa kasalukuyan, nasa higit limang daang kaso na ng dengue ang naitala ng Provincial Health Office sa lalawigan ng Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments