
Cauayan City – Inilatag na ng Provincial Government of Isabela ang mga aktibidad na magaganap sa nalalapit na pagdiriwang ng Bambanti Festival 2026.
Sa inilabas na anunsyo ni Isabela Public Information Office, magsisimula ang selebrasyon ng pinaka-inaabangang Bambanti Festival 2026 sa darating ika-18 Ng Enero at magtatagal hanggang sa ika-25 ng Enero.
Kabilang sa aktibidad sa unang araw o ang pagbubukas ng kapitahan ay ang Cycling Event, Thanksgiving Mass, at Opening ng Bambanti Village na susundan ng Color Fun Run.
Ilan rin sa highlights ng isang linggong selebrasyon na dapat abangan ay ang Queen Isabela Grand Coronation Night, Battle of the Bands, Streetdance and Showdown Competition, Ginuman Fest, Motorcross and Freestyle, Drag Race, Isabela’S Got Talent Season 2 Grand Finals, Car Show, at Isabela Grand Concert, at Music Festival.
Inaanyayahan naman ang lahat ng mga Isabeleño na makisaya at makiisa sa pagdiriwang ng Bambanti Festival 2026.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
Facebook Comments










