CAUAYAN CITY- Matapos umapaw at malubog sa tubig ang Alicacao Overflow Bridge ay maaari na muli itong daanan ng mga light vehicles ngayong araw ika-7 ng Nobyembre taong kasalukuyan.
Sa panayam ng IFM News Team kay Brgy. Tanod Alexander Ballesteros, nagsimulang madaanan ang naturang tulay bandang alas onse ng gabi kagabi ilang oras matapos itong humupa.
Aniya, isa umano sa dahilan ng mabilis na pag-apaw ng tubig kahapon ay ang naranasang pag-ulan sa ilang bahagi ng Isabela.
Dagdag pa niya, maaaring tumaas ulit ang tubig nito kung patuloy na makakaranas ng pag-ulan sa lungsod at sa iba pang bahagi ng lalawigan.
Gayunpaman, nakahanda naman ang mga de-makinang bangka sa pampang ng ilog kung sakali mang umapaw muli ang tubig.
Kaugnay nito, hindi naman gaanong nakakaranas ng traffic sa lugar dahil na rin sa kanselado ang pasok ngayon ng mga mag-aaral.
Facebook Comments