Cauayan City – Tuluy-tuloy man ang nararanasang pag-ulan sa lungsod ng Cauayan dulot ni bagyong Carina, hindi nito naapektuhan ang lebel ng tubig sa Alicaocao Overflow Bridge.
Sa naging panayam ng IFM News Team sa kay Andres Ramones, Brgy. Tanod sa Alicaocao at isa sa mga nakatalaga upang magbantay sa lugar, nananatiling normal ang sitwasyon sa nabanggit na tulay.
Aniya, bagama’t tulUy-tuloy ang naranasang pag-ulan nitong mga nakalipas na araw ay nananatiling nasa normal level na 37.0 ang antas ng tubig roon.
Hindi rin umano nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko sa Alicaocao Overflow Bridge ang mga pag-ulan sa lungsod ng Cauayan.
Gayunpaman, sinabi ni Ramones na hindi nila ipinagsawalang bahala ang normal na sitwasyon dahil tuluy-tuloy pa rin ang ginagawa nilang pagbabantay sa lugar.