𝗔𝗟𝗞𝗔𝗟𝗗𝗘 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗧𝗜, 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗚𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔

Cauayan City – Kasabay ng pagbisita sa lalawigan ng Isabela, nakibahagi rin si Makati Mayor Abby Binay sa pamamahagi ng bigas sa lungsod ng Ilagan noong unang araw ng Agosto.

Sa pangunguna ni Isabela Governor Hon. Rodito Albano III, kasama sina Vice Governor Faustino “Bojie” Dy, Ilagan City Mayor Jay Diaz, at Makati Mayor Abby Binay, ipinamahagi nila ang buwanang ayudang bigas sa 6,905 na ng a benipesyaryo.

Ang mga benepisyaryo ay ang mga kabilang sa PWD’s, TODA members, Fisherfolks, Brgy. Tanods, Child Development Workers, Brgy. Nutrition Scholars, Brgy. Health workers, at Brgy. Population Workers.


Samantala, bukod sa pamamahagi ng bigas ay namahagi rin si Mayor Binay ng grocery packs sa 500 indibidwal sa pamamagitan ng raffle draw, at 10 winners naman ang nakatanggap rin ng P5,000 bawat isa.

Facebook Comments