Naglabas na ng alituntunin ang Department of Education kaugnay sa mga alternatibong kasuotan o uniporme para sa mga teaching at non-teaching personnels bunsod ng patuloy na nararanasang mainit na panahon.
Base sa Memorandum DM- OUHROD- 2024-0662, sa halip na tradisyunal na uniporme, pinahihintulutang magsuot ang mga non-teaching at teaching staff ng Collared DepEd Polo Shirt na ginamit noong mga nagdaang aktibidad ng kagawaran tulad Brigada Eskwela, RS at DS Press Conferences at sa iba pa.
Maaari ring maisuot ang puting collared polo shirt na may DepEd at Matatag logo.
Dapat umanong ipares sa matte black pants ang mga nabanggit na kasuotang pantaas kahit anong tela tulad ng slacks, jean at cargo pants habang ipinagbabawal naman ang leggings, tights at jogging pants.
Ilang mga guro sa Dagupan City, ikinatuwa ang alternationatibong kasuotan bagamat naniniwala rin ang mga ito na mas presko ang cotton na tela kahit polo shirt pa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨