𝗔𝗠𝗔 𝗦𝗜𝗡𝗔𝗞𝗦𝗔𝗞 𝗔𝗡𝗔𝗞 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗠𝗔 𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗢𝗕

Sugat sa ulo at braso ang natamo ng isang anak na lalaki matapos siyang saksakin ng kaniyang ama sa barangay Nalsian Calasiao.

Sa ulat ng awtoridad, kumukuha ng damit ang biktima sa kanyang kwarto nang mangyari ang pagkakasaksak ng kanyang ama.

Sinubukan nitong tumakas ngunit hinabol siya ng suspek saka sinaksak muli sa braso. Hanggang sa nakatakbo nga ito palabas ng bahay at humingi ng saklolo sa mga kapitbahay.

Agad naman naaresto ang suspek at nakumpiska ang dalawang kutsilyo na ginamit nito sa krimen. Tinitignang motibo ang sama ng loob sa hindi pagkakaunawaan ng mga ito.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng awtoridad ang suspek at haharap sa kasong Frustrated Parricide. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments