𝗔𝗠𝗬𝗘𝗡𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗧𝗥𝗔𝗙𝗙𝗜𝗖 𝗢𝗥𝗗𝗜𝗡𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗡𝗚 𝗕𝗢𝗟𝗜𝗡𝗔𝗢, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚-𝗔𝗔𝗥𝗔𝗟𝗔𝗡

Ibinahagi ng Land Transportation Alaminos District Office sa public hearing ng Committee on Transportation ng Bolinao ang suhestiyon nito upang maamyendahan ang traffic ordinance sa bayan.

Dinaluhan ito ng kawani ng lokal na pamahalaan, municipal traffic enforcers at maging barangay councils para maibahagi ang opinyon ng mga ito na may kinalaman sa kanilang nasasakupan.

Layunin ng naturang pagdinig na maiayon sa Road Safety Action Plan ng LTO ang kasalukuyang ipinapatupad na batas trapiko base na rin sa mandato ng Department of Transportation.

Sa pamamagitan nito, makakasabay sa mga ipinapatupad na national traffic laws, rules and regulations ang bayan ng Bolinao upang magkaroon ng mas epektibong transportation system. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments