𝗔𝗡𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗜𝗖𝗬𝗖𝗟𝗘 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥, 𝗡𝗔𝗚𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗠𝗠𝗔 𝗖𝗨𝗠 𝗟𝗔𝗨𝗗𝗘

Nagtapos bilang Summa Cum Laude sa Polytechnic University of the Philippines ang anak ng isang tricycle driver sa Hermosa, Bayambang.

Hindi naging hadlang kay Ricca Mae Jimenez ang mga hamon sa gitna ng naranasan na Pandemya upang magpursiging makapasok sa State University kung saan libre ang kaniyang naging tuition fee sa kursong Bachelor in Science in Early Childhood Education.

Dagdag pa niya, kahit nasa gitna ng pandemya ay tuloy parin sa paghahanap buhay ang kaniyang ama upang masuportahan ang kaniyang pag-aaral.

Naging masipag na mag aaral si Ricca at naging consistent sa pagiging President’s list ngunit hindi niya inaasahan na magtatapos siya ng with latin honor.

Sa ngayon sa edad na bente dos, nais ni Ricca na ma secure ang pagiging Licensed Professional Teacher at makapagturo sa kaniyang alma mater sa Hermosa, Bayambang. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments