𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗟𝗢𝗟𝗔, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥𝗦𝗜𝗞𝗟𝗢

Nasawi ang isang 63 anyos na lola habang tatlo pa ang sugatan nang magbanggaan ang dalawang motorsiklo sa Tubao La Union.

Ayon sa pulisya, angkas ang nasawing biktima ng isa sa dalawang motorsiklo na sangkot sa insidenteng naganap sa Barangay Amalappay.

Sugatan ang driver ng motorsiklo maging ang driver ng kanilang nakabanggaan at angkas nito.

Binabagtas umano ng dalawang motorsiklo ang magkaibang direksyon ngunit mabilis ang patakbo ng motorsiklong sinasakyan ng nasawing lola.

Mahaharap sa kaukulang kaso ang driver ng nakabanggang motorsiklo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments