𝗔𝗡𝗜𝗠𝗔𝗟 𝗥𝗘𝗦𝗖𝗨𝗘𝗥, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗡𝗔𝗪𝗔𝗚𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗦𝗣𝗢𝗡𝗦𝗜𝗕𝗟𝗘 𝗢𝗪𝗡𝗘𝗥𝗦𝗛𝗜𝗣

Inihayag ng Isang animal Rescuer mula sa Dagupan City na dapat umanong seryosohin ang pagiging responsableng amo sa mga alagang hayop.

Ayon Kay Roel Arboledo, Isang animal Rescuer, dapat umanong pag-isipan ng mabuti ang pag-adopt o hindi kaya pag-aalaga sa mga hayop tulad ng aso at pusa dahil ito ay may kaakibat na responsibilidad.

Madalas umano itong nakakapag-rescue ng mga inabandonang pusa sa bahagi ng Tondaligan beach sa Bonuan.

Maaaring makakuha ang mga pusa ng iba’t-ibang sakit at pagkakaroon ng rabies na maaaring makapahamak pa ng mga bumibisita sa naturang pasyalan kung ito ay basta basta na lamang aabandunahin.

Kalakip ng paalala at panawagan ni Arboledo na ang tunay na pagmamahal sa mga alagang hayop ay nagsimula sa pagiging responsableng amo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments