Nakatanggap ang anim na barangay sa San Nicolas, Pangasinan ng mga solar-powered streetlight mula sa lokal na pamahalaan.
Ang mga benepisyaryong barangay ay ang Barangay Bensican, Cabuloan, Malilion, Nagkaysa, Siblot, at Sobol. Nabahagian ang bawat barangay ng tig-sampung set ng 300 watts solar lights at GI pipes na makatutulong na makapagbigay ng ligtas na kalsada sa mga residente maging sa mga motoristang babagtas sa mga barangay na ito tuwing gabi.
Makatutulong din ang mga solar-powered streetlights na ito upang mapababa ang konsumo sa kuryente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments