𝗔𝗡𝗜𝗠 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗔𝗢, 𝗠𝗔𝗛𝗜𝗚𝗣𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗕𝗔𝗡𝗧𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗣𝗢𝗦𝗜𝗕𝗟𝗘𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗥𝗨𝗦𝗔𝗬 𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥

Anim na barangay sa Calasiao ang mahigpit na binabantayan ngayon dahil sa posibleng pagtaas ng lebel ng tubig sa Marusay River dulot ng Bagyong Enteng na pinalakas ng Habagat.

Kabilang sa binabantayang barangay ay ang Longos, Lumbang, San Vicente, Mancup, Talibaew, at Lasip. Ang mga ito ay kabilang sa low lying areas ng bayan na maaring bahain sakaling umapaw ang ilog.

Sa ngayon, nanatiling nasa normal level ang ilog at nakaantabay ang kawani ng MDRRMO sakaling kinakailangang mag pre-emptive evacuation ang mga residenteng nakatira malapit sa ilog. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments