Siyam na oras mawawalan ng kuryente ang anim na bayan sa Pangasinan sa darating na Sabado, December 7, dahil sa isasagawang preventive maintenance ng National Grid Corporation of the Philippines.
Sa abiso ng Central Pangasinan Electric Cooperative (CENPELCO), magsisimula ang power interruption alas otso ng umaga at magtatagal hanggang ala singko ng hapon.
Kabilang sa mga bayan na apektado ay ang Mangatarem,Bugallon, Aguilar, Binmaley, Lingayen kasama na ang ilang barangay sa Urbiztondo.
Pinapayuhan ang mga residente sa nabanggit na lugar na maghanda. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments