Anim na suspected cases ng rabies na ang naitala sa Ilocos Region ng Department of Health Region 1 sa unang quarter pa lang ng taon.
Kaya naman mas paiigtingin pa ng naturang ahensya ang mga programa na nagbibigay ng kamalayan sa publiko ukol sa panganib na dala ng naturang virus.
Ayon kay Undersecretary of Health for Universal Health Care Health Services Cluster Area 1 – Dr. Maria Rosario Singh-Vergeire, tumaas na sa 100% ang kaso ng rabies na naitatala at karamihan sa mga kaso lahat mula sa mga alagang aso.
Samantala, ang rabies ay isang viral na sakit na nakakaapekto sa central nervous system na siyang maiiwasan sa pamamagitan ng bakuna. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments