𝗔𝗡𝗧𝗜-𝗖𝗥𝗜𝗠𝗜𝗡𝗔𝗟𝗜𝗧𝗬 𝗖𝗔𝗠𝗣𝗔𝗜𝗚𝗡 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗜𝗚𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗟𝗜𝗦𝗬𝗔

Aabot sa 345 na wanted persons ang nahuli ng Police Regional office 1 sa pinaigting na Anti-Criminality Campaign nito. 15 ang nahuli sa kategoryang Most Wanted person kasama ang Top 1 Most Wanted Person sa lalawigan ng Pangasinan.

Nasa 130 na operasyon kontra illegal na droga ang isinagawa ng kapulisan kung saan nasabat ang 25,081.29 grams ng shabu at 149.23 gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng P170, 570,700.

Sa kampanya sa illegal gambling nadampot ang 276 na indibidwal dahil sa pagsusugal at nasamsam ang P107,179.50 na perang pang taya.

Kaugnay nito, tiniyak ng PRO1 na magpapatuloy ang pagsasawata ng mga ilegal na aktibidad upang mapanatili ang peace and order sa rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments