CAUAYAN CITY – Dumalo si US Secretary of State Antony Blinken sa ika-12 ASEAN-US Summit sa Vientiane bilang bahagi ng ika-44 at ika-45 Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summits, October 11, 2024.
Sa naturang pagpupulong, mariing kinondena ni Blinken ang lalong mapanganib na mga hakbang ng Tsina sa South China Sea.
Ipinahayag din ni Blinken ang suporta ng Estados Unidos para sa kalayaan ng paglalayag sa rehiyon, kasabay ng pagharap sa mga lider ng ASEAN.
Sa kabila ng tensiyon sa pagitan ng Tsina at mga bansang umaangkin sa bahagi ng South China Sea, muling iginiit ni Blinken ang pangako ng Estados Unidos na suportahan ang ASEAN sa mga isyu ng rehiyonal na seguridad at kooperasyon.
Dagdag pa ni Blinken na mahalaga ang pagpapanatili ng kaayusan sa dagat at ang kalayaan ng bawat bansa sa paglalayag sa karagatan.