Nakakolekta ng apatnapung (40) bag ng dugo ang Department of Trade and Industry (DTI) Pangasinan mula sa kauna-unahang Blood donation drive nito.
Sa pakikipagtulungan ng local government ng Dagupan City at pakikipag-ugnayan sa Philippine Red Cross ay naisakatuparan ang naturang blood drive na may layunin madagdagan ang suplay ng dugo at mapunan ang kakulangan sa dugo ng mga ospital sa Pangasinan.
Sa pamamagitan nito ay maaaring makatulong ang mga nakolekta sa mga pasyenteng nangangailangan ng dugo at makatutulong rin upang makapagsalba ng buhay ng isang indibidwal.
Hinikayat ng DTI Pangasinan ang publiko na makiisa sa mga blood donation drive na may magandang dulot sa kalusugan at nakakapagbigay ng tulong sa mga kapwang nangangailangan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨