𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗢 𝗛𝗨𝗟𝗜 𝗦𝗔 𝗔𝗞𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗚𝗨𝗠𝗔𝗚𝗔𝗠𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Inabutan ng pulisya ang apat na magkakaibigan na nagpo-pot session sa Sitio Sagur, Brgy. Pogo Grande, Dagupan City.

Kinilala ang mga suspek na sina Jeffrey Inocencio, Janine Raga, Kevin Rodriguez pawang mga residente ng Dagupan City at Winchester Ugali residente ng Manaoag.

Ayon sa pulisya, target ng buy-bust operation si Inocencio sa kaniyang tahanan Ngunit tumambad sa kanila ang iba pang sangkot sa illegal na Gawain.

Nakumpiska sa mga ito ang P37, 400 halaga ng humigit kumulang na 5.5 grams ng hinihinalang shabu at drug paraphernalias.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.|𝙄𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments