Sugatan ang apat na katao matapos sumabog ang sinasabing mga nakaimbak na mga paputok sa isang bahay sa Dagupan City.
Naganap ang insidente pasado Alas Onse ng gabi sa bahagi ng Malued sa bahay ng isang dating Barangay Kagawad.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Dagupan City PNP Chief Of Police Lt. Col. Brendon Palisoc, nagsasagawa pa sila ng imbestigasyon kaugnay dito kung saan agad na isinugod sa pagamutan ang apat na mga biktima.
Kuwento umano ng isang biktima sinasabing may nagsindi ng sigarilyo na posibleng naging dahilan ng pagsabog kung saan ay umabot sa pitong mga kabahayan ang nadamay sa insidente.
Sinasabing ang nasabing mga paputok ay nakaimbak sa isang kwarto sa bahay.
Sakaling mapatunayan na may paglabag, aniya, ay agad umanong magsasampa ng kaso ang hanay ng PNP lalo pa at isa sa titingnan ay kung may pagawaan ba ng paputok doon na walang permit. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨