𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬𝗘𝗡 𝗡𝗔 𝗧𝗜𝗡𝗨𝗞𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗛𝗜𝗚𝗛 𝗥𝗜𝗦𝗞 𝗔𝗥𝗘𝗔𝗦, 𝗧𝗜𝗡𝗨𝗧𝗨𝗧𝗨𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗔𝗪𝗧𝗢𝗥𝗜𝗗𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗣𝗢𝗦𝗜𝗕𝗟𝗘𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗢𝗙𝗘𝗟

Nakaalerto pa rin ang hanay ng Lingayen Disaster Risk Reduction Management Office (LDRRMO) kasunod ng pagpasok ng isa pang bagyo na si Ofel sa bansa.

Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Lingayen LDRRM Officer Kimpee Jayson Cruz, patuloy ang isinasagawang assessment sa bayan partikular na ang mga kabilang sa coastal areas.

Tinukoy nito Brgy. Pangapisan North, Libsong East, Libsong West at Poblacion na high risk areas na kadalasang pinakaapektado sa banta ng bagyo at storm surge.

Sa monitoring ng tanggapan, walang umanong naitalang nabahang barangay dahil sa nagdaang Bagyong Nika bagamat dahil sa high tide.

Sa ngayon, patuloy na nakaantabay ang LDRRMO sa posibleng banta ng bagong bagyo sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments