Sapat na umano ang apat na buwan para tapusin ang school year 2023-2024 mula Pebrero hanggang Mayo para sa preparasyon ng balik eskwela tuwing buwan ng Hunyo, ayon sa grupong Teachers Dignity Coalition.
Ayon sa panayam ng IFM News Dagupan kay Teachers Dignity Coalition President Benjo Basas, sapat na umano ang apat na buwan na ito at inaasahan na madali na ito para sa mga estudyante at mga guro kumpara noong kasagsagan ng pandemya.
Ang ilang magulang naman, sang ayon din sa tuluyan na pag usad ng muling pagbalik sa klase tuwing buwan ng Hunyo.
Maiiwasan na rin kasi umano ang ilang daing ng mga estudyante tulad ng nararanasang init sa loob ng kanilang mga classroom dahil kasagsagan ng Abril o Mayo ay nag-aaral ang mga ito imbis na bakasyon dapat.
Samantala, patuloy pa rin ang pag-usad ng usapin ukol dito at inaasahan na sa taong 2025-2026 ay mauumpisahan na muli ang balik eskwela tuwing buwan ng Hunyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨