𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗢 𝗡𝗔 𝗟𝗨𝗟𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗜𝗖𝗬𝗖𝗟𝗘, 𝗡𝗔𝗔𝗞𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗨𝗟𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗦𝗧𝗔. 𝗕𝗔𝗥𝗕𝗔𝗥𝗔

Sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang natamo ng apat na kataong lulan ng isang tricycle matapos maaksidente sa bahagi ng Sta. Barbara, Pangasinan dahil sa malakas na ulan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, hindi umano makita ng driver ng tricycle ang daan dulot ng malakas na ulan kung kayat Nawalan ng kontrol ang drayber at bumangga sa poste ng kuryente.

Kabilang sa mga sugatan ang siyam na taong gulang na estudyante. Agad naman naitakbo ang mga ito sa pagamutan para sa paunang lunas habang hindi pa tukoy ang kabuuang halaga ng pinsala sa naturang insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments