𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗟𝗜𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗘𝗦𝗧𝗨𝗗𝗬𝗔𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗘𝗗𝗨𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗔𝗦𝗦𝗜𝗦𝗧𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗡𝗚 𝗗𝗦𝗪𝗗 𝗡𝗜𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗚𝗢

Nasa kabuuang apat na libo o 4,000 na mga estudyante mula sa iba’t ibang unibersidad sa lalawigan ang nabahagian na ng educational assistance nitong linggo lamang mula sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development.

Ayon kay DSWD Ilocos Regional Director Marie Angela Gopalan, ilan sa mga unibersidad na pinanggalingan ng mga benepisyaryong studyante ay mula sa mga bayan ng Bayambang, Binalonan, San Carlos City at Urdaneta City, Pangasinan.

Mula ang educational assistance na ipinamamahagi ng tanggapan sa ilalim ng programang Assistance to Individual in Crisis Situation na may layon na tulungan ang mga mahihirap na kababayan na sumasailalim sa krisis nang sa gayon ay matugunan ang kanilang mga pangangailangan.

Samantala, nasa limang libong piso na educational assistance naman ang natanggap ng bawat benepisyaryong studyante kung saan gagamitin sa mga pangangailangan pagdating sa pag-aaral at iba pa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments