𝗔𝗣𝗘𝗞𝗧𝗔𝗗𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗙𝗔𝗥𝗠 𝗔𝗧 𝗣𝗢𝗨𝗟𝗧𝗥𝗬 𝗔𝗡𝗜𝗠𝗔𝗟𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗕𝗨𝗡𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗕𝗔𝗚𝗢-𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗛𝗢𝗡, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗧𝗔𝗟𝗔

Patuloy na nappektuhan ng mas tumitinding pabago-bagong panahon ang mga farm, piggery maging poultry animals sa ilang bahagi sa lalawigan ng Pangasinan.

Matatandaan na nakapagtala ang Veterinary Offices ng ilang lokal na pamahalaan dito sa Pangasinan ng mga kaso tulad ng heatstroke, pagkakasakit maging pagkamatay sa mga hayop bunsod ng epekto ng El Nino.

Sa bayan ng Mangaldan, nakitaan ng sintomas ng heatstroke ang ilang alagang hayop na baka.

Sa bayan naman ng Malasiqui, ilang mga manok na rin ang naitalang nagkakasakit habang ilan din sa mga manok sa bayan ng Calasiao, namatay dahil sa sobrang init na nararanasan ng mga ito.

Maging mga baboy ay napaulat na nagkakasipon partikular sa piggery sa bayan ng Mangaldan dahil sa patuloy na nararanasang pabago-bagong panahon.

Payo ng Office of the Provincial Veterinary Office na tiyakin ng mga nag-aalaga ang pag-inom ng tubig ng mga ito, maging pagsisiguro na hindi babad sa init ng araw ang mga alaga.

Samantala, asahan pa na mas mainit na panahon ang mararanasan sa darating na panahon ng tag-init ayon sa PAGASA. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments