Umabot sa 559,000 na indibidwal o katumbas ng 149,000 na pamilya sa Ilocos Region ang apektado ng Bagyong Kristine at Leon, ayon sa Office of the Civil Defense Ilocos.
Pinakamarami rito ay ang residente sa Pangasinan na nasa 335,000.
Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay OCD Region 1, pumalo naman sa higit 351M ang danyos sa agrikultura, kabilang diyan ang crops at poultry livestocks, samantalang aabot naman sa 150M ang naitalang danyos sa imprastraktura gaya ng kalsada, tulay, at mga flood-control projects.
Ani Pagsolingan, lubos na naapektuhan ang lalawigan ng Pangasinan, kung saan 276M ang danyos sa agrikultura at 110.8M naman sa imprastraktura.
Dalawang bayan at isang lungsod naman sa Pangasinan ang nagdeklara ng State of Calamity na kinabibilangan Dagupan City, Anda at Bani. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨