𝗔𝗣𝗟𝗜𝗞𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗟𝗔𝗥𝗦𝗛𝗜𝗣 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗘𝗦𝗧𝗨𝗗𝗬𝗔𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡, 𝗕𝗨𝗕𝗨𝗞𝗦𝗔𝗡 𝗠𝗨𝗟𝗜

Bubuksan muli sa mga estudyanteng residente ng bayan ng Mangaldan ang aplikasyon para sa scholarship program ng munisipalidad bilang paghahanda sa school year 2024-2025.

Mag-uumpisa sa May 20,2024, lunes, ang aplikasyon ng municipal scholarship school year 2024-2025.

Bukas ito sa mga incoming grade 7 students at incoming 1st year college students na residente ng naturang bayan at dalhin lamang ang mga kinakailangang dokumento at requirements para sa aplikasyon.

Samantala, magaganap naman ang qualifying examination ng naturang scholarship program sa 3rd floor ng Municipal Hall kung saan June 27, 2024 para sa incoming grade 7 students at June 28, 2024 naman para sa mga incoming 1st year college students. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments