𝗔𝗤𝗨𝗔𝗖𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗘 𝗔𝗧 𝗙𝗜𝗦𝗛 𝗣𝗥𝗢𝗖𝗘𝗦𝗦𝗜𝗡𝗚, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦

Cauayan City – Nakumpiska ng mga awtoridad ang isang granada matapos ang isinagawang paghahalughog sa isang tahanan sa Brgy. Santa Maria, Gonzaga, Cagayan.

Ayon sa ulat ng Police Regional Office 2, ang ikinasang paghahalughog ay sa bisa ng search warrant na inilabas ng korte laban sa isang indibidwal na kinilalang si alyas “Marfo”, 37-anyos, residente ng nabanggit na lugar dahil sa di umano paglabag sa RA 9516 o ang ilegal na pag-iingat, ng mga armas, bala, at pampasabog.

Sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad, wala ang suspek na si alyas “Marfo” sa kanilang tahanan subalit ipinagpatuloy nila ang paghahalughog na sinaksihan mismo ng asawa ng suspek.

Sa ginawang paghahanap, kumpirmadong nakita ng mga awtoridad ang isang granada.

Samantala, sa ngayon ay patuloy pa rin ang ginagawang paghahanap ng mga awtoridad kay alyas “Marfo”.

Facebook Comments