𝗔𝗤𝗨𝗔𝗖𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗘 𝗦𝗘𝗖𝗧𝗢𝗥 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡, 𝗔𝗣𝗘𝗞𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗥𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗘𝗟 𝗡𝗜Ñ𝗢

Bagamat hindi umano gaano hinagupit ng El Niño ang sektor ng pangingisda sa Ilocos Region, apektado pa rin ang nasabing industriya kung ibabase sa datos ng Philippine Statistics Authority o PSA.

Ayon kay BFAR Ilocos Region chief aquaculturist Remely Lachica, hindi umabot sa isang porsyento ng total production ang naging pinsala ng el niño. Diumano, nasa 2,208 na mangingisda, kung saan 193.42 metric tons ang naapektuhan.

Ayon pa sa datos, 362 ektaryang fishponds sa mga inland na bayan at tatlong ektaryang seaweed farms din ang apektado ng el niño.

Samantala, nakitaan ng 2.2 porsyentong pagbaba ang indusriya sa rehiyon sa loob ng unang apat na buwan o katumbas ng 792 metriko tonelada. Ang itinuturong dahilan ay ang mababang supply ng fingerlings gayundin ang malamig na panahong nararanasan, kung saan lubos na apektado ang lalawigan ng La Union at Ilocos Norte.

Bagamat apektado, inabisuhan naman ng BFAR ang mga mangingisda na magkaroon ng backup aeration system kung sakaling tumaas muli ang temperatura upang hindi gaanong maapektuhan ang kanilang mga palaisdaan.

Patuloy rin ang hakbang ng awtoridad upang matulungan ang mga naapektuhang mangingisda. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments