Kaisa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa paggunita at pagdiriwang ng ika-isang daan dalawampu’t anim na Araw ng Kalayaan ngayong araw, June 12, 2024.
Itinampok sa naturang pagdiriwang ang dalawang bayani na mula sa Pangasinan na sina Andres Malong at Juan Dela Cruz Palaris na sumasalamin sa pagiging bahagi ng probinsya sa rebolusyon laban sa mga mananakop ng bansa.
Binigyang diin naman ni Gov. Ramon Guico III sa kanyang talumpati, hindi lamang ang mga naganap na pagsakop ng ibang bansa maging ang pakikipagtunggali rin laban sa kahirapan na siyang tinututukan ngayon ng kasalukuyang administrasyon na may layong iangat ang antas ng pamumuhay ng bawat Pangasinense.
Kasunod pa ng pagdiriwang ay pinasinayaan ang Araw ng Kasarinlan Exhibit sa Banaan Pangasinan Provincial Museum tampok ang lokal na kasaysayan, mga kwento ng katapangan at kadakilaan ng mga lokal na bayani na nagbigay-daan sa kalayaan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨