𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡𝗜, 𝗚𝗜𝗡𝗨𝗡𝗜𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡

Bilang paggunita sa araw ng mga Bayani kahapon nag alay ng bulaklak ang lokal na pamahalaan ng Dagupan sa rebulto ng mga Bayani sa city plaza.

Layunin ng naturang okasyon na ipaalala ang sakripisyo at kontribusyon ng mga Bayaning Pilipino.

Sa naging mensahe ni Dagupan City Mayor Belen T. Fernandez, isa umanong espesyal na araw ang naturang obserbasyon dahil ito ay pagbibigay pugay hindi lamang sa mga bayaning nagbuwis buhay noon para sa kasarinlan ng bansa maging pagkilala na rin sa mga modernong bayaning nagsumikap at lumalaban ng patas sa buhay.

Kasabay ng Araw ng mga Bayani isinagawa rin ang Isang Job Fair na dinagsa ng ng daang daang aplikante. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments