Mariing tinututulan ng pamunuan ng Archdiocese of Lingayen-Dagupan ang isinusulong na panukalang Divorce Bill sa kongreso.
Ayon kay Archbishop Socrates B. Villegas, sa inilabas nitong pahayag, hindi kailanman papayag ang Simbahang Katolika sa paghihiwalay sa pinag-isa ng Diyos. Mariin nila umanong paninindigan ang kanilang katayuan simula pa noong una.
Dagdag pa niya, na mali para sa isang taong naikasal na, na muling ikasal dahil labag umano ito sa katuruan ng ebanghelyo.
Samantala, nauna nitong inihayag na hindi kailanman magiging tama sa isang taong nasa relasyon na magdusa bagkus ay malalampasan naman umano ito sa pamamagitan ng pagmamahalan.
Matatandaan, na inaprubahan na kamakailan ng Kamara sa naganap na third reading nito ang HB 9349 o ang isinusulong na Absolute Divorce Act. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨