Mariing kinondena ng simbahang katolika o ng Archdiocese of Lingayen-Dagupan sa nagpapatuloy na isyu ng panghaharass ng China ukol sa isyu sa agawan ng West Philippine Sea.
Kamakailan, inihayag ni Archbishop Socrates-Villegas sa Pastoral Letter na ang banta ay hindi na lamang imahinasyon bagkus ay isa ng patunay at mayroon na umanong ebidensya kung paano yurakan ng bansang China at kamkamin ang West Philippine Sea.
Dagdag pa niya, na ang kamakailang panghaharass ng China sa mga mangingisda, kung saan sila’y pinaligiran at sapilitang itinaboy sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas ay isang seryosong usapin na dapat matugunan.
Kaya naman, panghihikayat ni Father Soc Villegas na sila ay humanap ng katapangan at katatagan sa Diyos, dahil isa rin umano itong moral na isyu
Samantala, inilunsad naman ni Father Soc Villegas ang Rosary Campaign mula June 27 hanggang August 15 para sa proteksyon ng bansang Pilipinas laban sa mga ‘walang-Diyos’ umanong bansang China. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨