𝗔𝗥𝗖𝗛𝗗𝗜𝗢𝗖𝗘𝗦𝗘 𝗢𝗙 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬𝗘𝗡-𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡, 𝗠𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗠𝗣𝗔𝗡𝗜𝗬𝗔 𝗡𝗜𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗪𝗘𝗦𝗧 𝗣𝗛𝗜𝗟𝗜𝗣𝗣𝗜𝗡𝗘 𝗦𝗘𝗔; 𝗣𝗕𝗕𝗠, 𝗡𝗔𝗡𝗜𝗡𝗗𝗜𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗠𝗔𝗠𝗔𝗬-𝗔𝗥𝗜 𝗜𝗧𝗢 𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦

Mariing nanindigan si PBBM sa kanyang SONA na pagmamay-ari ng Pilipinas ang West Philippine Sea sa gitna ng umiiral na agawan ng teritoryo.

Nagpahayag din ito ng pasasalamat para sa mga mangingisda, at sandatahang lakas ng Pilipinas na silang tumindig sa WPS.

Bagamat nanindigan si PBBM, magpapatuloy ang kampaniya ng Archdiocese of Lingayen-Dagupan upang ipaglaban sa pamamagitan ng panalangin ang pagmamay-ari ng bansa.

Nauna rito, hiniling ng Simbahan kay PBBM ang konkretong aksyon sa pamamagitan ng pagsalang nitong muli sa international institutions of justice.

Samantala, ikinatuwa ng ilang Pangasinense ang paninindigan ni PBBM ukol sa usapin ng West Philippine Sea. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments