𝗔𝗥𝗠𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗘𝗥𝗢𝗥𝗜𝗦𝗧𝗔, 𝗡𝗔𝗗𝗜𝗦𝗞𝗨𝗕𝗥𝗘 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡

 

CAUAYAN CITY – Matataas na kalibre ng baril at pampasabog ang nadiskubre ng mga awtoridad na pinaniniwalaang pag-aari ng mga teroristang grupo sa Brgy. Masi, Rizal, Cagayan.

 

Ayon sa ulat, nakabaon umano sa lupa ang mga gamit pandigma sa kabundukang bahagi ng bayan ng Rizal.

 

Kabilang sa mga narekober ay dalawang Grenade Rifle, isang improvised hand grenade, isang improvised cartridge ng 60mm, 20 piraso ng Blasting Caps, 13 bala ng 7.62 caliber na baril kasama ang tatlong magazine nito, apat na Handheld Radio, kable na may habang 51 meters, at mga gamot.


 

Natukoy ang kinaroroonan ng mga nabanggit na armas dahil sa tulong ng dating taga suporta ng Communist Terrorist Group na nagbalik-loob na ngayon sa pamahalaan.

Facebook Comments