𝗔𝗦𝗦𝗢𝗖𝗜𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗢𝗙 𝗦𝗧𝗔𝗧𝗘 𝗖𝗢𝗟𝗟𝗘𝗚𝗘𝗦 𝗔𝗡𝗗 𝗨𝗡𝗜𝗩𝗘𝗥𝗦𝗜𝗧𝗜𝗘𝗦-𝗦𝗢𝗟𝗜𝗗 𝗡𝗢𝗥𝗧𝗛, 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗚𝗨𝗠𝗣𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗜𝗗𝗜𝗡𝗔𝗢𝗦 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗨-𝗘𝗖𝗛𝗔𝗚𝗨𝗘

 

CAUAYAN CITY- Ginanap ang 2024 Association of State Colleges and Universities-Solid North sa Isabela State University-Echague Campus noong ika-1 hanggang ika-5 ng Hulyo taong kasalukyan.

 

Sa eksklusibong panayam ng IFM News Team kay University Sports Director Philip Rasdas, nasa dalawampu’t-isang unibersidad ang nakiisa sa nasabing aktibidad habang nasa tatlong libong faculty and staff naman ang dumalo.

 

Aniya, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nag-host ang ISU-Echague Campus kaya matinding paghahanda ang kanilang isinagawa upang masiguro na magiging maayos ang takbo ng programa.


 

Isa sa mga preparasyong kanilang isinagawa umano ay ang pagsasaayos ng mga classrooms, mga palikuran, at mga lugar kung saan gaganapin ang mga palaro.

 

Dagdag pa nito na bagama’t ito ang kanilang unang pagtanghal sa naturang aktibidad, ay naging matagumpay pa rin ito at walang anumang naitalang insidente dahil na rin sa tulong ng LGU at PNP Echague.

Facebook Comments