Pansamantalang inimplementa ng Kagawaran ng Edukasyon ang Asynchronous class sa buong bansa kasunod ng long weekend at nararanasang tag-init, ngayong araw.
Kamakailan, sunod-sunod na araw nagsuspinde ang ilang mga LGUs dahil sa init na nararanasan.
Samantala, pabor naman ang mga magulang sa naturang implementasyon, upang magbigay daan sa pagpapagaan ng kanilang pag-aaral.
Ikinatuwa rin ng mga mag-aaral ang ibinabang advisory gayundin ng mga guro, dahil mas komportable sila diumano sa kanilang mga bahay kumpara sa eskwelahan na medyo mainit ang nararanasan.
Sa kabila ng patuloy na pag-init pa ng panahon, asahan pa ang flexible modalities sa mga susunod na araw o linggo nang maibsan ang init ng panahon na nakakaapekto sa pag-aaral. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments