Cauayan City – Pinarangalan kahapon ika-8 ng Abril ang ilang atleta matapos ang matagumpay na pagsabak ng ilang mag-aaral ng Villa Luna Elementary School Annex sa katatapos na 10th Lakan Arnis Tournament na ginanap sa Salacot, San Miguel, Bulacan.
Sa naging panayam ng iFM News Team kay Bella De Pedro, Coach ng Elementary, ikinagalak nito ang pagkapanalo ng mga atleta bagamat unang beses man nilang sumabak sa naturang kompetisyon ay nai-uwi naman nila ang ilang medalya tulad ng silver at bronze.
Ang mga nagpaligsahan sa kompetisyon ay mula sa pitong dibisyon sa buong pilipinas.
Dagdag pa rito, Tagumpay namang naiuwi ng mga atleta ang silver medal para sa kategoryang Anyo Doble Baston, Anyo single baston, at Anyo solo baston habang nasungkit naman ang bronze para sa kategoryang doble baston.
Samantala, para naman sa Synchronize solo and doble baston naiuwi ng mga estudyante ang silver at bronze medal.
Dagdag pa rito, nasungkit rin ang silver medal para sa Synchronize doble baston sa boys category habang sa parehong category naman ay naiuwi ng mga ito ang bronze medal sa Synchronize solo baston.
Sa ngayon, ang kasalukuyang pinaghahandaan ng mga manlalaro ay ang pagsabak sa darating na CavRAA 2024 na magaganap sa April 26-30, 2024, samantala ngayong araw naman magsisimula ang in-house ng mga atleta para sa gaganaping CavRAA 2024.