Nagsimula na kahapon ang Automated Counting Machine Roadshow 2024 sa buong bansa bilang paghahanda sa National and Local Elections sa susunod na taon.
Sa Pangasinan, pinangunahan ni Provincial Election Supervisor Atty. Ericson Oganiza ang pagtatampok sa bagong automated counting machine at demonstration ng voting process mula sa pagpasok ng balota, paglabas ng resibo at transmission ng kabuuang boto pagkatapos ng voting period.
Binigyang katiyakan naman ni Oganiza ang publiko sa maaring isyu ng discrepancy sa pagtutugma ng boto na babasahin ng ACM na maari umanong makita sa ilalabas nitong resibo.
Layunin ng ACM Roadshow na maihanda ang mga botante sa mangyayaring voting process sa susunod na taon gamit ang naturang bagong makina.
Kaugnay nito,magpapatuloy ang ACM Roadshow hanggang sa Enero kasabay ng pagsisimula ng implementasyon ng Gun Ban sa January 12. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨